Isang guwardya sa Camarines Sur ang nasawi matapos umanong aksidenteng pumutok sa kaniyang mukha ang baril na shotgun.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Lunes, kaagad na nasawi ang biktimang si Carlo Borlagdan,  19-anyos.

Ayon sa kasamahan ni Borlagdan, sinasaway niya ang biktima dahil pinaglalaruan umano ang baril.

Sinisilip daw ng biktima ang barrel ng shotgun nang bigla itong pumutok at tinamaan si Borlagdan sa mukha.

Sa kabila ng pahayag ng saksi, patuloy na magsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya para alamin kung may foul play sa nangyari.--FRJ, GMA News