Isang chop-chop na katawan ang lalaki ang natagpuan ng isang residente sa ilog sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur.

Sa ulat ng "Balitanghali" nitong Sabado, sinabi ng mga pulis na lumapit sa kanila ang residente matapos makakita ng sakong palutang-lutang sa ilog.

Nang magpunta sila roon, nakita nila sa sako ang kalahating katawan ng isang lalaki, at ang isa pang bahagi ng katawan ng biktima ay natagpuan ding nakasako sa ibang lugar sa parehong bayan.

Dahil nangangamoy na, inilibing na ito ng mga awtoridad.

Hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng biktima na tinatayang nasa edad 40 pataas. —LBG, GMA News