Arestado ang isang elementary school teacher sa buy-bust operation sa Iloilo City.

Pero, todo tanggi naman ang suspek na kinilalang si Jonaseth Aguirre.

Sa ulat ng Unang Balita, sinabing hindi umano makapaniwala ang kaniyang mga katrabaho sa alegasyon laban sa kanya.

Ayon naman sa mga pulis, newly identified drug personality si Aguirre.

Dati rin daw na naaresto ang kinakasama ni Aguirre sa parehong lugar dahil din sa pagtutulak umano ng droga.

Nasabat mula sa suspek ang 11 pakete ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P30,000.  —LBG, GMA News