Hindi tumitigil sa pag-iyak ang 2-anyos na batang lalaki sa Barangay Magsaysay, Tagkawayan, Quezon dahil sa tinamong mga sugat at pasa sa katawan matapos itong lantakan ng aabot na 20 aso ng kanilang kapit bahay.

Ayon sa Tatay ng bata, naglalaro sa gilid ng kanilang bahay ang biktima ng sugurin ito ng mga aso na nakatakas mula sa bakuran ng kanilang kapit-bahay.

Photo by Peewee Bacuño
Photo by Peewee Bacuño

Hinila raw ng mga aso ang bata sa loob ng bakuran at doon na kakagat ng mga aso.

Tumagal raw ng halos 3 minuto bago nakuha ang bata. Wala nang malay ang biktima ng dalhin ito sa Health Center ng bayan. Agad naman na binigyang lunas ang bata.

Hindi raw halos makakain ngayon ang bata. Matinding trauma rin ang inabot nito kung kayat laging umiiyak na dinagdagan pa ng kirut ng mga sugat at pasa.

Nagpapasalamat ang mga magulang ng biktima dahil nabuhay pa ang bata.

Sa ngayon ay hindi pa humaharap at nagpapakita ang may-ari ng mga asong umatake sa bata.

Hiling ng mga magulang ng biktima na maipanagot ang bata sa may-ari ng aso.

Gumawa na rin ng petisyon ang magkakapitbahay sa lugar upang mapaalis ang mga aso sa lugar. Ibibigay raw nila ito sa Sangguniang Barangay ang petisyon.

Perwisyo raw talaga sa kanilang lugar ang mga aso. —LBG, GMA News