Isang 23-anyos na estudyanteng babae ang naging biktima umano ng gang rape matapos malasing sa dinaluhan niyang birthday celebration sa Cagayan de Oro City.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Biyernes, sinabing lumitaw sa imbestigasyon ng pulisya, na birthday ng isa sa mga suspek at nakipag-inuman sa kanila ang biktima.

Pero nang malasing ang estudyante, doon na siya halinhinang hinalay ng mga suspek.
Sa follow-up operation ng mga pulis, naaresto ang apat sa limang suspek.

Patuloy namang pinaghahanap ang isa pa para sampahan din ng kasong panggagahasa.--FRJ, GMA News