Isang barangay kagawad sa Iligan City, Lanao del Norte ang arestado sa buy-bust operation, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Nasabat sa suspek na kinilalang si Jamale Cali ang apat na pakete ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P50,000.

Itinanggi naman ni Cali na sangkot siya sa droga.

Samantala, drogang nagkakahalaga ng mahigit P2 milyon naman ang nasabat sa miyembro ng isang sindikato sa Dumaguete City, Negros Oriental.

Mga pasahero raw ng ferry ang parokyano ng suspek na si Jerick Calug-cugan.

Aminado raw si Jerry na user at runner siya ng iligal na droga pero hindi raw siya pusher. —KBK, GMA News