Nakaranas ng hailstorm o pag-ulan ng yelo ang Santo Niño, South Cotabato, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.
Sumabay ang hailstorm sa buhos ng malakas na ulan sa Barangay San Isidro.
Tumagal nang mahigit tatlong minuto ang pag-ulan ng yelong sinlaki ng mga butil ng mais.
Walang namang naiulat na nasaktan o napinsala sa hailstorm. —KBK, GMA News
