Dahil sa umano'y away sa babae, tinadtad ng saksak ang isang senior citizen sa Alaminos, Pangasinan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.

Aabot sa 25 saksak sa tiyan ang tinamo ni Marceliano Penullar, 61 taong gulang.

Bukod sa saksak ay hinampas pa si Penullar ng malaking bato sa ulo ng suspek na si James Berbon, 44 taong gulang.

Nabisto kasi ni Berbon na ang karelasyon niya, karelasyon din pala ng biktima.

Hinahanap na ang suspek na mahaharap sa reklamong murder.  —KBK, GMA News