Na-hit-and-run ng tricycle ang mag-ina sa Malolos, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Sa kuha ng CCTV, kitang naglalakad sa sidewalk si Czarina at  anak niyang si Jampong Cuerpo na may edad apat na taon.

Ilang saglit pa, bigla na lang sumulpot ang isang tricycle at na-sideswipe ang mag-ina.

Bahagyang nakaiwas si Czarina pero ang anak niya napuruhan sa ulo at hita.

Ang tricycle, dire-diretso lang ang andar.

Pinaghahanap na ang driver ng tricycle.  —KBK, GMA News