Patay matapos manlaban sa buy-bust operation ang hinihinalang drug pusher sa General Trias, Cavite, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes.
Kinilala ang umano'y tulak na si Darwin Sabado, na nakatunog daw na pulis ang kaniyang mga katransaksyon at sinubukang tumakas.
Pinaputukan daw ni Sabado ang mga humabol sa kanyang operatiba.
Nakuha mula sa suspek ang isang kalibre .45 na baril, ilang sachet ng shabu at buy-bust money. —KBK, GMA News
