Hindi nabigo ang libo-libong fans sa kanilang inaasahan sa comeback concert ng kanilang idol na K-pop Superstar na BTS na ginanap sa South Korea.
Sa ulat ni Jamie Santos sa GMA News 24 Oras Weekend nitong Linggo, sinabing hindi rin pinalampas ng Pinoy “Army” ang historic comeback concert ng grupo na apat na taong nagpahinga.
Mula sa loob hanggang sa labas ng concert venue, napuno ng mga tao. Inawit ng grupo ang mga bago nilang kanta na mula sa kanilang comeback album na Arirang.
Hindi rin nakalimutang awitin ng grupo ang kanilang mga iconic song gaya ng “Dynamite.”
Well represented din ang mga Pinoy Army sa concert venue na nagsabing masaya silang naging bahagi ng historic event.
Maging ang Pinoy fans sa nasa Pilipinas, sobrang saya na dahil hindi nasayang ang kanilang maghihintay na makitang kompleto na muli ang kanilang mga idolo. – FRJ GMA Integrated News
