Isang batang dalawang-taong-gulang ang pinatay at sinunog sa damuhan sa Lanao del Norte. Ang suspek, ang nobyo raw ng ina ng biktima na nagalit dahil nawalan siya ng pera.
Sa ulat ng GMA News TV "Quick Response Team" nitong Lunes, kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si Florencio Curay.
Bata sa imbestigasyon, sinabing galing daw sa videoke bar at lasing ang suspek nang pagbintangan nito ang ina ng bata na kumuha ng nawawala niyang pera.
Pero itinanggi ng ginang ang paratang, kinaladkad sila ng suspek sa isang damuhan. Nagawa raw makatakas ng ina para humingi ng saklolo at naiwan ang bata.
Pagbalik ng ginang, sunog na ang kaniyang anak.
Naaresto naman ng mga rumespondeng ang pulis ang suspek na itinanggi ang paratang na pinatay niya ang bata.
Giit ni Curay, hindi totoo na nobya niya ang ina ng bata.
Nag-inuman daw sila at nang mapansin niya na nawawala ang kaniyang pera na nagkakahalaga ng P14,000.00
Ayon naman sa pulisya, nag-inuman sina Curay at ang ina ng bata sa isang videoke house. Nang malasing, nag-away umano ang dalawa dahil nawala ang pera ng suspek.
Ayon sa ina ng bata, hinampas pa umano siya ng suspek ng bote sa ulo
kaya humingi siya ng tulong sa mga pulis.
Sa desidido ang ina ng bata na ipakulong ang suspek.-- FRJ, GMA News
