Patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga nag-positibo sa COVID-19 sa probinsya ng Quezon, ayon sa health officials ng lalawigan.
Nitong Sabado lamang, umakyat na ito sa 48. Dumagdag sa bilang ang limang pasyenteng nagmula sa bayan ng Calauag, at 1 sa Lucena City.
Ayon sa Provincial Health Office ng Quezon, tatlo parin ang bilang ng mga gumaling, habang nananatiling anim naman ang mga namatay.
Hindi bababa sa 20 health workers ang nag-positibo rin sa COVID-19.
Samantala, nagpapatuloy ang isinasagawang contact-tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong kaso ng coronavirus infection.
Katulong na ang Integrated Provincial Health Office ang Southern Luzon Command, AFP at PNP sa pagsasagawa ng contact-tracing. —LBG, GMA News

