BORACAY ISLAND - Pinag-aaralan sa ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung puwedeng mabigyan ng tulong ang may 155 na stranded na mga manggagawa sa isla ng Boracay dulot ng enhanced community quarantine (ECQ).

Sa isinagawang online streaming ni Rhea Penaflor , assistant secretary for specialized program ng DSWD, sinabi nitong aalamin muna nila kung ang mga stranded na empleyado ay kasama sa nauna nang nabigyan ng benepisyo sa ilalim ng programa ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Puwede raw nilang mabigyan ang mga empleyadong hindi sakop ng programa ng DOLE.

Kasama sa stranded ang may 34 na mga on-the-job trainees galing ng Nueva Ecija.

Na-strand ang mga empleyado dahil sa pag-aakalang hangang April 15 lang ang ECQ pero na extend ito hanggang April 30. -MDM, GMA News