QUEZON - Umakyat na sa 62 nitong Martes ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa probinsiya ng Quezon.
Siyam ang nadagdag sa bilang ngayong araw, kabilang ang anim na frontliners.
Ayon sa Integrated Provincial Health Office (IPHO) ng Quezon, 28 na health workers ang tinamaan ng COVID-19 sa buong probinsiya.
Pito na ang naitalang nasawi habang anim naman ang gumaling.
Nasa isang health facility ngayon sa Lucena City ang anim na frontliners na pawang asymptomatic o walang sintomas na nararamdaman.
Nagsasagawa ang contact tracing ang IPHO, Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa mga awtoridad, ito ang bilang ng mga kumirmadong kaso ng COVID-19 sa mga bayan ng Quezon:
- Lucena: 25
- Tayabas: 8
- Calauag: 8
- Candelaria: 5
- Unisan: 3
- Sariaya: 3
- Pagbilao: 2
- Sampaloc: 1
- Infanta: 1
- Tiaong: 1
- Pitogo: 1
- Real: 1
- Lopez: 1
- Lucban: 1
- Atimonan: 1
Mahigpit namang ipinapatupad ng AFP at PNP ang enhanced community quarantine sa Quezon para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
—KG, GMA News
