MALAY, Aklan - Posibleng umabot sa P3 milyon ang halaga ng nasirang gamit sa pagkasunog ng bahagi ng Caticlan Public Market nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog bandang 9:11 p.m. at naapula ito ng lagpas 11 p.m.

ADVERTISEMENT

Pitong bahay ang naapektuhan ng nasabing sunog.

Kasalukuyan nang nasa evacuation center ng nasabing barangay ang mga apektadong residente.

Patuloy naman na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng sunog.

Wala namang nasugatan sa nasabing insidente. —KG, GMA News