Isang ginang sa Bacolod City ang namatay matapos tangkaing iligtas ang mga alaga niyang aso sa nasusunog nilang bahay nitong Huwebes, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Biyernes.

Kuwento ng mga bumbero, nakalabas na si Mary Grace Mirasol kasama ang mga anak at magulang pero bumalik siya sa loob para sagipin ang mga alagang aso.

Nakita si Mary Grace at ang mga aso sa loob na kapwa wala nang buhay dahil umano sa suffocation.

Problema sa kuryente ang nakikitang pinagmulan ng sunog na nagsimula sa kisame ng bahay. --KBK, GMA News