Huli sa camera ang pagsalisi sa isang sasakyan sa Naga City, Camarines Sur kung saan ilang mahahalagang gamit ang natangay ng suspek.

Sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Miyerkoles, kitang umaali-aligid ang suspek sa isang sasakyang nakaparada sa labas ng isang bike shop. Nasa loob daw noon ng shop ang mag-asawang may-ari ng sasakyan.

Natangay ng lalaki ang isang bag na may lamang P15,000, cellphone at mga ID at ATM cards.

Nakilala ng mga pulis ang lalaki sa CCTV dahil dati na raw itong may kaso ng pagnanakaw. Tinutugis na siya ngayon ng otoridad. —KBK, GMA News