Patay ang isang magsasaka sa Bangued, Abra matapos umano itong suwagin ng sarili niyang kalabaw, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Martes.

Nagtamo ng sugat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang magsasakang si Rudy Batalon, 56, na agad niyang ikinamatay.

Hinihila raw ni Rudy ang kalabaw nang suwagin siya nito.

Isang residente ang nakakita sa insidente pero hindi na niya naisalba si Rudy.

Plano ng pamilya ng biktima na ibenta ang nasabing kalabaw. —KBK, GMA News