Patay ang magkapatid na edad 8 at 3 taon sa Davao City dahil sa dengue, ayon sa ulat ng GMA Regional TV sa Unang Balita nitong Huwebes.

Kasama ang dalawa sa apat na tinamaan ng dengue sa Barangay Calinan Proper.

Sa ginawang inspeksiyon ng barangay at city health office, nadiskubre ang maraming kiti-kiti sa mga imbakan ng tubig.

Dahil dito, agad na nagsagawa ang lokal na pamahalaan ng community cleaning at house-to-house information dissemination. —KBK, GMA News