Malakas na ulan ang nararanasan ngayon sa bahagi ng southern Quezon at Bicol.

Nagsimula ang pagulan dakong alas-dies ng umaga.

Base sa Thunderstorm Advisory ng PAGASA, moderate to heavy rain showers na may pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa bahaging ito ng probinsya ng Quezon.

Pinag-iingat ng mga lokal na pamahalaan ang mga nasa flood at landslide probe areas ng southern Quezon. —LBG, GMA News