Patay ang tatlo umanong miyembro ng gun-for-hire group sa isang engkuwentro sa San Miguel, Bulacan, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Ayon sa pulisya, naglagay sila ng checkpoint sa lugar matapos makatanggap ng isang tip. Nang pahintuin daw sa checkpoint ang van ng mga suspek ay nagpulasan ang mga ito bitbit ang kanilang mga armas.

Dito na raw nagsimula ang habulan at barilan ng mga suspek at mga pulis.

Kabilang sa mga nasawi ang sinasabing lider ng grupo na si Gilbert Montares.

Patuloy na tinutugis ang dalawang suspek na nakatakas. —KBK, GMA News