Masuwerteng nakaligtas ang isang barangay chairman sa Maguindanao matapos siyang pagbabarilin ng riding in tandem.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Miyerkules, sinabing nagpapalinis ng kaniyang sasakyan ang biktimang si kapitan Durex Kasim nang bigla siyang pagbabarilin ng mga salarin.

ADVERTISEMENT

Pero nakailag si Kasim at nagawang makaganti ng putok at tinamaan ang suspek na angkas sa motorsiklo.

Nasawi ang suspek habang nakatakas ang kasama nito pero naiwan ang motorsiklo na kanilang ginamit.

Nagtamo lang ng daplis na tama ng bala si Kasim.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente at ang pagkakakilanlan ng salarin.--FRJ, GMA News