Mahigit P2-milyong halaga ng diumano'y cocaine ang nasabata sa isang buy-bust operation sa Zamboanga City kamakailan, ngunit sa imbestigasyon, napag-alaman na asukal pala ang mga ito at hindi droga.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles, nakumpirmang asukal ang mga nasabat matapos dumaan ang mga ito sa tatlong klase ng laboratory examination.

Dahil dito, pinalaya ang apat kataong nahuli sa operasyon. Kapwa wala silang pahayag.

Dismayado naman ang pulisya at ang lokal na pamahalaan at pinaiimbestigahan na ang insidente. —KBK, GMA News