Patay sa pamamaril sa loob misno ng kanyang bahay ang isang baragay captain sa Zamboanga del Norte.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Captain Joseph Tejero.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, sinabing tatlong lalaki ang biglang pumasok sa bahay ni Tejero at pinagbabaril ang biktima.

Tatlong tama ng bala ang tinamo ni Tejero, ayon sa mga pulis.

Iniimbestigahan pa ng pagkakalilanlan ng mga salarin at ang motibo sa krimen. —LBG, GMA News