Nauwi sa trahediya ang pamamasyal sa dalampasigan ng magpipinsan sa San Fernando City, La Union nang tamaan sila ng kidlat.

Sa ulat ni Kim Guevarra sa GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Lunes, sinabing namamasyal sa tabing-dagat ang mga menor de edad na magpipinsan na Eunizer Apayo, Tristan Apayo, Rhian de Guzman at 21-anyos na si Patrick de Guzman, nang biglang umulan at tumama ang kidlat.

Isinugod sa ospital ang mga biktima pero nasawi rin sina Eunizer, Tristan at Rhian, at nagpapagaling naman si Patrick.

Panawagan ng barangay official sa lugar na pinangyarihan ng insidente, manatili na lamang sa loob ng kanilang mga tahanan ang mga tao kapag masama ang panahon lalo na ngayong may pandemic. --FRJ, GMA News