Nilamon ng apoy ang isang pabrika ng alcohol sa Calaca, Batangas, ayon sa ulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes ng umaga.

Inabot umano ng halos isang oras bago maideklarang kontrolado na ang apoy.

Halos matupok ang buong pabrika at gumuho ang bubong nito.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente. —LBG/RSJ, GMA News