Nalibing na buhay ang isa sa tatlong lalaking  naghuhukay sa isang fishpond sa Hermosa, Bataan nang matabunan ng gumuhong hukay.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Biyernes na gumuho ang lupa sa ginagawang fishpond dahil sa malalakas na pag-ulan.

Pahirapan umano ang retrieval operation kaya gumamit na ng heavy equipment ang mga rescuer.

Ligtas naman ang tatlong kasahan ng biktima. —LBG, GMA News