Nagdudulot ngayon ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko ang paglubog sa baha ng bahagi ng Maharlika Highway sa Barangay Canda Ibaba, Lopez, Quezon.

Hindi na umuulan sa probinsya pero biglang tumaas ang baha na sinalubong ng hightide.

 

Photos by Peewee Bacuño
Photos by Peewee Bacuño

May ilang sasakyan na ang tumirik matapos piliting makatawid.

Ang malalaking sasakyan tulad ng truck ay nakakadaan naman habang ang maliliit na sasakyan ay isa isa ang ginagawang pagdaan upang hindi pasukin ng tubig ang kanilang sasakyan.

 

Galing sa mga kabundukan ng Lopez ang tubig baha na dulot pa ng nagdaan na bagyong Ofel, ayon sa mga residente.

 

Lubog din sa baha ang malawak na palayan sa lugar. —LBG, GMA News