Patay ang tatlong empleyado ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) na nakaupo sa tabing kalsada matapos silang pagbabarilin ng mga hindi pa matukoy na salarin sa Buluan, Maguindanao.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Biyernes, sinabi ng Maguindanao Police na pinagbabaril ang mga biktima ng mga salaring nakasakay sa kotse.

Mabilis na tumakas ang mga suspek patungo sa Tacurong matapos ang insidente.

Kinondena ni Maguindanao Second District Representative Esmael Mangudadatu ang krimen.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring pamamaril.--Jamil Santos/FRJ, GMA News