Patay ang isang guro matapos siyang baril sa loob ng barbershop sa Bangued, Abra. 

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Martes, kinilala ng pulisya ang biktima na si Rodelio Claor.

Sa inilabas na kuha ng CCTV na nasa labas ng barbershop, nakita ang pagdating ng salarin na mag-isa lang na sakay ng motorsiklo.

Ipinarada nito ang motorsiklo at inayos ang dalang baril bago pinuntahan ang biktima at binaril.

Mabilis na tumakas ang salarin na hindi namukhaan dahil sa suot na bonnet at takip sa mukha.

Umapela ang awtoridad sa publiko na magsadya sa kanilang tanggapin kung may maibibigay silang impormasyon tungkol sa nangyari at pagkakakilanlan sa salarin.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo sa krimen.--FRJ, GMA News