Pitong magkakamag-anak ang patay sa sunog sa Tigaon, Camarines Sur, ayon sa Ronda Probinsiya portion ng Unang Balita nitong Martes.

Magkakayakap sa ilalim ng mesa nang matagpuan ang mag-anak, kabilang ang apat na menor de edad.

Hindi raw nakatalon ang mga biktima mula sa second floor ng nasusunog nilang apartment dahil may grills ang mga bintana.

Ayon sa mga otoridad, naiwan nang mag-anak na nakasindi ang kandila bago sila matulog.

Bagong lipat lang daw ang mag-anak sa apartment. —KBK, GMA News