Isang bagong-silang na sanggol ang natagpuan sa gilid ng irrigation canal na inabandona umano sarili nitong ina sa Midsayap, Cotabato.

Sa ulat ng GMA News TV "QRT" nitong Martes, sianbing agad namang dinala sa ospital ang sanggol matapos itong matagpuan.

Bumuti na ang lagay ng sanggol at nasa pangangalaga na ng DSWD.

Natukoy na ng mga residente ang ina na nag-iwan umano sa kaniyang anak. -Jamil Santos/NB, GMA News