Patay ang magkapatid nang pagbabarilin sila sa loob mismo ng kanilang bahay sa Leyte, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Lunes.

Maghahapunan daw noon ang mga biktima kasama ang iba pa nilang kaanak nang pumasok ang salarin na naka-helmet at face mask.

Unang binaril ang tiyahin ng mga biktima na si Maria Theresa Teves na  masuwerteng nakatakbo. Kasalukuyan na siyang nagpapagaling.

Sunod namang binaril ang magkapatid na sina Redford Rudilla at Rizalina Cañete. Dead on the spot si Rizalina habang dead on arrival naman sa ospital si Redford.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan sa salarin at ang motibo sa krimen. —KBK, GMA News