Mahigit 100 pamilya ang inilikas dulot ng pagbaha at pagtama ng buhawi sa Iligan City sa Mindanao.

Sa ulat ng GMA News TV "Balitanghali" nitong Martes, sinabing nangyari ang pagbuhos ng malakas na ulan nitong Linggo ng hapon na nagdulot ng pagbabaha sa Barangay Suarez.

Tinangay ng baha ang isang bahay samantalang nabagsakan naman ng puno ng niyog ang isa pa.

Nailipat na sa evacuation center ang mga inilikas na residente at walang naitalang nasawi sa insidente.--Jamil Santos/FRJ, GMA News