Biglang nagliyab ang isang bus sa Camarines Sur matapos itong sumabit sa kawad ng kuryente.

Iniulat ng "Unang Balita" nitong Miyerkules na agad namang naapula ang apoy.

Nungit tila kalansay na lamang ang natira sa bus dahil sa mabilis ang pagkalat ng apoy.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente, ayon sa ulat. —LBG, GMA News