Dalawang lalaki sa Banga, South Cotabato ang arestado matapos makuhanan ng pekeng gold bars, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Miyerkoles.

Naaresto ang mga suspek na sina Boy Minang Faan at Dante Atam Fundo sa isang entrapment operation. Dalawang pekeng Canadian gold bar ang umano'y narekober sa dalawa.

ADVERTISEMENT

Ayon sa dalawa, ibebenta sana nila ang gold bars sa halagang P100,000.

Depensa ni Faan, ipinadala lang sa kanila ang mga gold bar at hindi nila alam na peke ang mga ito. Hindi naman nagbigay ng pahayag si Fundo.  —KBK, GMA News