Patay ang isang babaeng biktima ang pangho-holdup matapos itong barilin ng holdaper sa Bacolod City.

Sa ulat ng "Unang Balita" nitong Huwebes, sinabing kapaparada lamang umano ni Angelica Motalbo sa kayang sasakyan kasama ang kanyang live-in partner nang biglang pumasok ang isang holdaper.

ADVERTISEMENT

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, tinutukan umano ang mag-partner ng baril at inutusang paandarin ang sasakyan.

Pagdating umano sa circumferential road ng lungsod, binaril ng suspek si Motalbo.

Ligtas naman umano ang kanyang kinakasama.

Tinangay ng holdaper ang pera, gadget, at iba pang gamit ng mga biktima

Inaalam na ng mga pulis ang pagkakilanlan ng holdaper. —LBG, GMA News