Naaresto na ng mga pulis ang suspek sa pagpatay at pagkain umano sa binti ng kanyang biktima noong 2019.

Iniulat sa "Unang Balita" nitong Miyerkules na ang dahilan sa pamamaslang na nauwi sa cannibalism ay away umano sa kuryente.

Taong 2019 umano nang pumunta ang biktimang kinilalang si Roger Herrera kung saan nakikipag-inuman ang suspek na kinilalang si Marlon Cruz. Doon na umano nangyari ang pagtatalo.

Pinagsasak umano ni Cruz si Herrera hanggang sa mapatay ito.

Hindi pa umano nakontento si Cruz, pinrito pa ang binti ng biktima at saka kinain.

Matapos ang pagtatago, natyempuhan ng mga pulis ang suspek sa Bucaue, Bulacan.

Inamin ng suspek na siya nga ang nakaaway ng napatay na biktima, pero tiyuhin niya raw ang gumawa ang karumal-dumal na krimen. —LBG, GMA News