Dalawa ang nasawi at dalawa ang sugatan matapos magbanggaan at magliyab ang isang tricycle at isang motorsiklo sa Ilagan City, Isabela. Ang isang nasawi, nasunog pa.

Sa ulat ng GMA Regional TV "Balitang Amianan" nitong Martes, sinabing hindi pa matukoy ang pagkakakilanlan ng mga biktima at kung saan sila nakatira.

Ayon sa pulisya, natadnan nilang nakahandusay sa kalsada ang mga biktima, at inapula ang mga rumespondeng bumbero ang apoy.--FRJ, GMA News