Patay ang isang senior citizen sa Negros Occidental matapos siyang pagbabarilin habang nakaupo lang sa labas ng kaniyang bahay.

Ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes, kinilala ang biktima na si Alejandrito Gayagas, 70 anyos.

ADVERTISEMENT

Kahit may tama na ng bala sa katawan, nagawa pa ng biktima na tumakbo sa loob ng bahay. Naisugod pa siya sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.

Paghihiganti ang tinitignang motibo ng pulisya sa pamamaril. Meron na silang itinuturing na persons of interest.  —KBK, GMA News