Malubhang nasugatan ang isang pulis matapos siyang pagsasaksakin ng sinita niyang curfew violator sa Davao de Oro.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing pauwi na si Patrolman Janry Rabe nang makita niyang nasa labas ng bahay ang kaniyang kapitbahay kahit may curfew na.

ADVERTISEMENT

Sinita niya ang suspek pero sa halip na umuwi ay kumuha umano ito ng kutsilyo at pinagsasaksak ang pulis.

Dinala sa ospital ang pulis dahil sa mga tinamong sugat,  habang naaresto naman ang suspek, na hindi nagbigay ng pahayag. --Jamil Santos/FRJ, GMA News