Nagtamo ng tama ng bala ng baril sa ulo at leeg ang dalawang forest rangers sa Masungi Georeserve. Ang Philippine National Police, nangakong tutugisin ang salarin.

Ayon sa Masungi Georeserve Foundation, nakapuwesto sa dalawang biktima sa isang reforestation site sa Sitio San Roque, Barangay Pinugay sa Baras, Rizal.

“One ranger was shot in the head and the other was shot in the neck. They are now being treated with first aid and are preparing to transfer to another hospital,” anang foundation sa pahayag nitong Linggo.

“We are devastated and enraged by this heinous act of violence and attempted murder against forest defenders,” patuloy nito.

Ilang pagbabanta at panggigipit na umano ang natatanggap ng mga namamahala sa Masungi Georeserve mula sa “disgruntled violators.”

Naipaalam na raw nila ito sa mga awtoridad.

“We beg for immediate security assistance and action against land grabbers, professional squatters, and illegal encroachers inside the Upper Marikina Watershed,” ayon sa foundation.

“We are disturbed that this atrocity could happen in an area where a Special Action Forces station is just around the corner,” dagdag pa nito.

Tiniyak naman ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar, na iimbestigahan nila ang insidente at tutugisin ang salarin.

Plano rin niyang magsagawa ng training program para sa forest rangers.

“Hindi ito ang unang insidente ng pananakot, pananakit at pagpatay sa mga forest ranger dahil ilang mga kaparehong kaso din ang naitala ng inyong kapulisan sa Palawan at iba pang lugar sa mga nakalipas na taon,” aniya.— FRJ, GMA News