Isang driver ang nasawi matapos siyang makasamang masunog sa loob ng kaniyang taxi sa Butuan City.

Sa ulat ni Oscar Oida sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes,  kinilala ang biktima na si Julius Azura.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ilang saksi, may nadinig umano silang putok ng baril bago nila nakita ang nagliliyab na taxi sa Barangay Mahay.

Sinabi naman ng mga awtoridad na hiniling nilang isailalim sa awtopsiya ang mga labi ng biktima para malaman kung may krimen na nangyari o wala.--FRJ, GMA News