Nakunan sa video ang suntukan, tadyakan at habulan ng dalawang grupo ng kabataan sa Session Road sa Baguio City.

Sa ulat ng Unang Balita nitong Martes, sinabing hindi nakunan sa video na may isang natumba at nawalan ng malay.

Mapapanood sa video na kuha ni Jhumppong Abalo na nagsitakbuhan ang mga kabataan nang dumating na ang mga pulis.

Ayon sa mga awtoridad, parehong nakainom ang dalawang grupo ng kabataan, na nagtamo ng mga sugat at pasa sa kanilang rambulan.

Nagkaayos din ang dalawang grupo sa estasyon ng pulis.

Nagpaalala ang mga awtoridad na ipinatutupad pa rin ang curfew sa lungsod. —LBG, GMA News