Nabahag ang buntot ng isang aso sa Sta. Rosa, Laguna at hindi makababa sa cabinet na pinapatungan nito dahil sa sobrang takot sa palaka.

Hindi na makababa ang fur baby na si Douglas at tila takot na takot sa palaka na nasa sahig malapit sa cabinet na pinapatungan niya.

ADVERTISEMENT

Ayon sa ulat ng Unang Balita, ikenuwento ng kanyang amo na si Leah Vicente na matagal nang takot sa palaka ang kanyang alaga.

Sa tahol pa lamang umano ni Doughlas, alam na nila kapag may palaka itong nakita.

Nais man umanong tulungan ang alaga, hindi ito magawa ng amo dahil takot din siya palaka.

Moral support na lamang umano ang tanging magagawa niya.

Tuwang-tuwa naman ang mga netizen sa reaksyon ni Douglas habang nakapatong sa cabinet at natatakot sa palaka.  —LBG, GMA News