Arestado ang isang buntis sa Antipolo City sa Rizal dahil umano sa pangi-scam sa pamamagitan ng murang bigas, ayon sa ulat Mai Bermudez sa Unang Balita nitong Martes.

Aabot daw ng P1 milyon ang nakuha ng suspek na si Rizza Baderan Escuton, 26 anyos at siyam na buwang buntis, sa kaniyang mga biktima.

ADVERTISEMENT

Naaresto si Escuton sa pamamagitan ng isang entrapment operation sa loob ng isang fast food restaurant. Sa social media raw siya nakikipag-transaksiyon.

Aabot sa mahigit 50 ang nagpunta sa Antipolo Police Community Precinct para magreklamo laban kay Escuton.

Tumangging magbigay ng pahayag ang suspek, na nahaharap sa kasong large-scale estafa na walang piyansa.  —KBK, GMA News