Nagsilbing "bridal car" ang isang backhoe ng isang bride and groom sa Sibalom, Antique imbes na karosa o kotse sa araw ng kanilang kasal dahil sa baha.

Batay sa ulat ng Super Radyo Iloilo, sinabi sa Unang Balita nitong Miyerkues na tumaas ang ilog sa lugar at malawak ito.

Kaya kinailangan nilang tawirin ang ilog gamit ang dalawang backhoe.

Ayon sa mga nakasaksi at mga netizen, patok ang "pinaka-social" na ride papuntang simbahan.

Challenging man umano pero matagumpay na naitawid ang bride and groom, maging ang kanilang mga bisita, sa ilog na may baha. —LBG, GMA News