Sulit ang pagpupursigi ng isang chicharon vendor sa Cebu City nang makapagtapos siya sa kolehiyo sa edad 42.

Ayon sa GMA Regional TV Balitang Bisdak, na iniulat din sa Unang Balita, sinabing ito ang kuwentong puno ng inspirasyon ni Jesus Fuentes, na nag-viral online.

ADVERTISEMENT

Sa kabila ng hirap ng buhay, masayahin at puno ng pag-asa si Fuentes, na naninirahan sa barong-barong kasama ang asawa at dalawang anak.

Ayon kay Fuentes, matagal siyang nakapagtapos sa elementarya at high school dahil sa kahirapan.

Gayunman, hindi ito naging balakid para siya'y magpursigi na magkolehiyo.

Sa pagtatapos niya sa kolehiyo, umaasa si Fuentes na makahanap ng mas magandang trabaho para mas makatulong sa pamilya. —LBG, GMA News