Isang lalaki at kaniyang kinakasamang babae ang natagpuang patay sa kalsada sa San Miguel, Bulacan, ayon sa ulat ng Saksi nitong Lunes.

Taga-Quezon daw ang dalawa na umalis noong Martes nang nakaraang linggo para dumalo sa isang court hearing sa Gumaca.

Huli raw silang nakausap ng mga kaanak noong Biyernes at sinabing sa isang hotel sila magpapalipas ng gabi. Magmula noon ay hindi na nakausap ang mga biktima at hindi rin daw sila nakasipot sa hearing.

Positibong kinilala ang mga bangkay ng mga kaanak.

Iniimbestigahan na ang krimen at kung sino ang posibleng dumukot sa dalawa.   —KBK, GMA News